Page 9 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 9

mga magulang sa pagdiriwang ng Pasko. Anong laking katuwaan
     ang sa kay San Jose noon, ng maati niyang maisamang pumasok
     sa templo ang Anak ng Diyos, na noon ay labing-dalawang taon
     lamang ang nakaraan na nai-alay niya sa Diyos.
     Tularan natin ang ginawa ni San Jose at gawin nating maging
     tahanan ng dalangin ang ating mga tahanan. Maging tapat nawa
     tayo  sa  mga  banal  na  gawain  ng  isang  angkang-binyagan;
     manalangin nawa tayo sa umaga at sa gabi, bago at matapos ang
     pagkain,  sa  pagtugtog  ng  Angelus.  Higit  sa  lahat  ay  sikapin
     nating  lumaganap  ang  sama-samang  pananalangin  sa  mga
     tahanan.  Anong  gandang  larawan  ang  idinudulot  ng  isang
     angkan na sa gabi ay nagkakapisan sa harap ng Krus, ng mga
     larawan  upang  dasalin  ang  Rosaryo  at  iba  pang  panalangin.
     Kung mga unang Biyernes ng buwan ay magkatipon nawa ang
     angkan  upang  humandog  sila  sa  Kamahal-mahalang  Puso  ni
     Jesus,  Hari  ng  mga  Tala  ng  mga  angkang-binyagan  at  ang
     Kanyang  larawan  o  bantayog  ay  siyang  dapat  na  malagay  sa
     pinakadakilang pook sa tahanan. Ang mga magulang ay siyang
     dapat na manguna t magsikap sa pagsasagawa ng mga dalagin
     at  gawang  kabanalan.  Kung  karapatan  ng  isang  ama  ang
     magsalita sa ngalan ng kanyang angkan, kung iyan ang hinihingi
     ng  mga  pagkakataon,  ay  dapat  din  naman  nilang  kilalanin  na
     isang  karangalan  na  maaari  nilang  iharap  sa  Diyos  ang  mga
     kapakanan ng kanilang angkan. At kung magkagayon, ang buhay
     ng angkan at ng tahanan ay magiging isang “sagraryo” sang-ayon
     sa mga pangungusap ng propeta: “Ako at ang aking tahanan ay
     maglilingkod sa Panginoon.”


                                IKATLONG ARAW
               SI SAN JOSE, ULIRAN NG MGA MANGGAGAWA

     Sa isang buhay ng panalangin ay dapat na malakip ang pagtupad
     sa kanyang katungkulan, sang-ayon sa kasabihan: “Dumalangin

                                                                                7
   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14