Page 8 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 8

huwag  madungisan  ng  kasalanang  mortal,  na  siyang
     pinakamalaking kapahamakan sa buhay na maaring sumapit sa
     atin  at  ilayo  si  Jesus  sa  ating  puso.  Huwag  tayong  padaig  at
     padala  sa  hibo  ng  mga  anak  ng  kadiliman.  Lagi  nawa  nating
     pagtitibayin sa kalooban ang ganito- “Ibig kong iligtas ang aking
     kaluluwa sapagkat iyan ang natatalaga at pag-aari ni Jesus.”


                               IKALAWANG ARAW
              SI SAN JOSE, ULIRAN SA BUHAY NG KABANALAN

     Ang abang dampa sa Nasaret ay siyang nagging tahanan ni Jesus
     na sa Kanyang ngalan maninikluhod ang bawat isang tuhod ng
     nasa langit, sa lupa at sa impiyerno.

     Anong  laking  kabanalan  at  pamimintuho  ang  kay  San  Jose!  O
     kabuhayan yaon ng panalangin. May mga sandali na ang Banal
     na Angkan ay natitipon doon sa abang dampa sa Nasaret upang
     awitin ang dalit at awit ng kabanalan.

     Si San Jose ay buong pag-iingat na sumusunod sa mga tagubilin
     na isinisiwalat ng Diyos sa Matandang Tipan.

     Nang sumapit ang sandali upang si Maria ay humarap sa templo
     ayon sa ipinag-uutos ng Diyos sa mga babae matapos na sila ay
     makapanganak,  sa  Matandang  Tipan  ay  tinatawag  na
     “Purification”  ay  inihatid  ni  San  Jose  ang  ina  kasama  ang
     mabathalang Sanggol doon sa templo upang ialay sa Diyos buhat
     sa  Nasaret,  taon-taon  si  San  Jose  ay  tumutungo  sa  Jerusalem
     upang ipagdiwang ang kaarawan ng Pasko gayon ang kabanalan
     ng  templong  yaon  ay  naglalaho  ng  lubusan  sa  harap  ng
     luningning  ng  kabanalang  isinasabog  sa  Kanyang  paligid-ligid
     kung Siya (si Jesus) ay natagpuan doon. Nang si Jesus ay sumapit
     sa ikalabing-dalawang taong gulang, siya’s sumama sa kanyang

     6
   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13