Page 6 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 6
manatiling tapat sa aming mga katungkulan sa gitna
ng kasamaan ng mundo, na sa araw-araw ay
nadadaragdagan at nagbabalang akayin ang
sangkatauhan sa landas ng kapahamakan.
Malasin mo po, O San Jose, ang pag-ibig at
pamimintuho ng lahat ng sa iyo ay namimintakasi.
Mga namimintuho na may mga iba’t ibang gulang at
uri ng katayuan ang sa iyo ay dumudulog, sa
pagnanasang makatuklas ng aliw at tulong.
Pagindapatin mo nawa, O kahanga-hangang
kaibigan ng Diyos at taga-ampon ng buong Iglesia,
na kami ay matulungan ng bias ng iyong
pamamagitan, sa harap ng iyong inuring Anak na si
Hesus. Samantalang ikaw ay nabubuhay sa lupang
ito, ikaw ay nagkapalad na maiduyan sa iyong mga
bisig ang mabathalang Sanggol, at naihimlay sa
iyong dibdib at sa iyong pusong malinis na nauuhaw
sa pag-ibig sa pinakamamahal na tala ng iyong
pagsinta na sa iyo ay ipinagkatiwala. Kung noong
panahong yaon ay walang biyayang anuman na
ipinagkait sa iyo ni Hesus, ngayon man ay hindi ka
nya pagkakaitan. Dinggin mo ang aming mga
panalangin at ipamagitanmo kami kay Hesus.
Nawa ay makamtan naming higit sa lahat ang isang
pamumuhay na walang kasalanan at isang tunay na
pagsang-ayon sa kalooban ng Diyos, upang
maisabalikat nang buong pagtitiis ang mga sakuna
ng buhay na ito, upang isang araw, kami ay
maaaring magtamasa sa iyong piling ngmga ligaya
sa kaluwalhatian ng langit, magpasawalang
hanggan. Siya Nawa.
4