Page 11 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 11

Ibigin  natin  ang  paggawa  at  iyon  ay  sadyang  karapat-dapat
     lalong-lalo na sa mga ama ng tahanan. Isang kahihiyan kung ang
     isang  ama  ng  angkan  ay  magpapabaya  sa  kanyang  mga
     katungkulan;  siya  na  dapat  maging  uliran  sa  tahanan  ay
     nagpapalipas ng panahon sa katamaran, o kaya nilulustay ang
     kayaman  sa  mga  laro,  sa  masasamang  pamumuhay,
     samantalang  ang  asawa  at  ang  mga  anak  ay  nanatili  sa
     karalitaan. Hindi ba isang kasawian iyan? Pagbutihin nawa natin
     at  tuparin  ang  ating  mga  gawain  na  may  malinis  na  layunin
     kagaya  ng  ginawa  ni  San  Jose,  at  sa  loob  ng  maghapon  ay
     sambitin natin ng malimit ang magandang pangungusap na ito:
     “Ang lahat ay dahil at ukol kay Jesus.”


                               IKA-APAT NA ARAW
       SI SAN JOSE, MAPANG-ALIW SA MGA NANGANGAILANGAN

     Sa ilalim ng sagisag na ito ay itinuro sa atin ng Santa Iglesya sa
     Litania na tawagan si San Jose at ito’y tunay na makatuwiran.
     Ang kanyang buhay ay isang buhay ng kasalatan maraming mga
     bagay  na  sinapit  niya  na  lubhang  kasalungat  ng  maaaring
     asahan. Ang kalagayan ng kanyang sinta, ang pagkahirang sa
     kanya upang siyang maging ama-amahan ng Anak ng Diyos, ang
     pagtakas  sa  gitna  ng  hindi  kilala,  ang  pagbabalik  sa  kanyang
     bayan  at  marami  pang  mga  bagay;  ang  lahat  ng  ito’y  mga
     paksang mahirap para sa abang San Jose. Ngunit si San Jose ay
     isang taong hindi nawawalan ng lakas ng kalooban at ang pag-
     asa ay lagi na nasa oras at sa ganito ay dinudulang ang mahirap
     na  gawain  at  kahirapan  sa  buhay.  Sa  kanyang  balikat  ay
     nakapatong  ang  libo-libong  pagdaranas  sa  paggawa  at
     pagkagulo  ng  isip  sa  hinaharap.  Gayunpaman,  si  San  Jose  ay
     gumawa at nagsisikap at sa kabila ng mga kaguluhang iyan ay
     lalong umunlad ang kaluluwa sa kabanalan. O! anong inam na



                                                                                9
   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16