Page 16 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 16

Nakakalungkot  na  mamalas  na  unti-unting  nawawala  ang
     magandang  kaugaliang  yaon  na  ang  mga  magulang  ay
     nagpapala sa kanilang mga anak. Sa mabuting angkan, ang anak
     gabi-gabi ay lumalapit at kinakamtan ang mga pagpapala ng mga
     magulang. Mga sandaling di malilimutan ng isang anak, ang mga
     sandaling ang ama at ina niya ay nagpapala at naggagawad sa
     kanya  ng  aral  sa  sariling  tahanan,  sa  panganib,  sa  isang
     Pananampalataya  o  sa  pag-iisang  dibdib.  O,  kalugod-lugod
     bagaman nakapangingilabot na panoorin ang tanawing ang ama,
     na nahahandusay sa banig ng kamatayan, tumawag sa mga anak
     at  katulad  ng  matandang  si  Jacob  ay  nagwiwika  sa  kanila:
     “Lumapit kayo upang kayo ay aking pagpalain at basbasan bago
     ako mamatay.”

     Kung  ang  mga  magulang  ay  tunay  na  mabuti  at  may  takot  sa
     Diyos, sila ay kikilalanin ng mga anak na mga tunay na kinatawan
     ng Diyos, ang kanyang mga aral at payo ay dadakilain at ang
     kanilang  kabuhayan  at  mabuting  halimbawa  ay  magsisilbing
     batis ng mga pagpapala hanggang sa wakas ng kanilang buhay.

     O mga ama ng angkan! O mga magulang! Mamuhay nawa kayo
     kagaya ni San Jose, ng upang ang mga anghel ng kalangitan ay
     maaring tumahan sa inyong tahanan at kayo ay ingatan gayundin
     ang inyong mga anak sa banal na kapayapaan.


                               IKA-WALONG ARAW
              SI SAN JOSE, TAGAPAG-INGAT NG MGA BIRHEN

     Ang putong na pinakamarikit na siyang palamuti ni San Jose, ay
     ang kanyang kalinisan sa pagka-binata, na sa Matandang Tipan
     ay isang bagay na hindi kilala, o kaya ay kung kilala man ay
     isang bagay na di-pangkaraniwan. Lalong Malaki ang karapatan
     at  kadakilan  ni  San  Jose,  na  sa  kalooban  ng  Diyos  ay  siyang

     14
   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21