Page 21 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 21

2. O  lubhang  mapalad  na  Patriarka,  maluwalhating  San  Jose,
        hinirang  ka  sa  lahat  na  maging  Ama  sa  turing  ng  Verbong
        nagkatawang  tao,  ang  dakilang  sakit  na  dinamdam  ng  puso
        mo, nang makita mong ipinanganak ang sanggol na si Hesus
        sa  lubos  na  kasalatan,  ay  napawi  niyong  tuwang-langit  na
        kinamtam mo sa pakikinig ng pag-aawitan ng mga anghel at sa
        pagkakita  ng  mga  kahima-himalang  nangyari,  noong  gabing
        yaon na lubhang maliwanag.

        Alang-alang  dito  sa  ikalawang  sakit  mo’t  tuwa  ay
        ipinagmamakaawa namin sa iyo na kung matapos itong aming
        lakad sa buhay na ito, ay mapakinggan namin ang pag-aawitan
        ng  mga  anghel  at  mapanood  tuloy  ang  mga  kaliwanagan  ng
        kaluwalhatian sa langit.

        San  Jose,  anak  ni  David,  esposo  ng  Birheng  Maria,
        pinararangalan  ka  namin  tagatanod  ng  Manunubos,  at
        sinasamba  naman  namin  ang  Batang  pinangalanan  mong
        Hesus.
        San Jose, pintakasi ng buong simbahan, ipanalangin mo kami
        upang  matularan  namin  ang  panghabang-buhay  mong
        pagkalinga sa mga kapakanan ng Tagapagligtas. Amen!

        O, San Jose, Mahal na Pintakasi:
        Ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.

     Dalit kay San Jose
                                                               ~
     Pinagpalang  santo,|San  Joseng  hinirang  ng  Diyos  sa  lahat|ng
                      ~
                                        ~
                                              ~
        lalaking tanan
          ~
                                                                    ~
     Bukod  na  pinuspos|at  pinagbiyayaan|ng  mga  dakila’t|tanging
                      ~
        kabanalan.


                                                                              19
   16   17   18   19   20   21   22   23   24   25   26