Page 24 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 24
Koro:
~
Maluwalhating Poon,|pintakasing hayag|ng mga
nangaghihingalo’t|nangababagabag,| kami’y kalingain,|mata
~
~
~
mo’y ilingap sa nangaghandog|sa ‘yo ng pagliyag.
5. O lubhang maingat na tagatanod at laging kasama ng
nagkatawang taong Anak ng Diyos, maluwalhating San Jose,
anong laking pagod mo’t sakit sa pag-aalaga’t pag-aalis sa
Anak ng kataas-taasang Diyos, lalung-lalo na noong mapilitan
kang mapasa-Ehipto.
Alang-alang dito sa ikalimang sakit mo’t tuwa, ay ipinagkamit
mo kami ng grasya na malayo sa mga kaaway ng aming
kaluluwa sa pamamagitan ng paglayo sa mga panganib na
ipagkakasala, upang mabunot naman sa aming mga puso ang
lahat ng mga anito, mga makamundong hilig, nang kami ay
mabuhay at magkapalad na mamatay sa paglilingkod lamang
kay Hesus at kay Maria.
San Jose, anak ni David, esposo ng Birheng Maria,
pinararangalan ka namin tagatanod ng Manunubos, at
sinasamba naman namin ang Batang pinangalanan mong
Hesus.
San Jose, pintakasi ng buong simbahan, ipanalangin mo kami
upang matularan namin ang panghabang-buhay mong
pagkalinga sa mga kapakanan ng Tagapagligtas. Amen!
O, San Jose, Mahal na Pintakasi:
Ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.
Dalit kay San Jose
~
Hingin mong mapilit|ang ipag-aalab,|n’yaring aming puso|sa
~
pagsintang wagas. ~
~
22