Page 20 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 20

1.      O  kalinis-linisang  Esposo  ni  Mariang  kabanal-banalan,
        maluwalhating San Jose, kung malaki man ang sakit at ligalig
        ng iyong puso doon sa pag—aalinlangan mong pagtatanan sa
        kalinis-linisan  mong  Esposa,  ay  malaki  ring  di  masabi  ang
        nakamtan  mong  tuwa,  nang  ipahayag  sa  iyo  ng  Anghel  ng
        Kataas-taasang  Kababalaghan,  ang  pagkakatawang  tao  ng
        anak ng Diyos.
        Alang-alang sa unang sakit mo’t tuwa ay hinihingi namin sa iyo
        na  aliwin  mo  ngayon  ang  aming  kaluluwa  ng  tuwa  ng  isang
        banal na pamumuhay at doon naman sa huli naming sakit ay
        pakamtan  mo  sa  amin  ang  tuwa  ng  isang  magandang
        pagkamatay sa gitna ni Hesus at ni Maria.

        San  Jose,  anak  ni  David,  esposo  ng  Birheng  Maria,
        pinararangalan  ka  namin  tagatanod  ng  Manunubos,  at
        sinasamba  naman  namin  ang  Batang  pinangalanan  mong
        Hesus.
        San Jose, pintakasi ng buong simbahan, ipanalangin mo kami
        upang  matularan  namin  ang  panghabang-buhay  mong
        pagkalinga sa mga kapakanan ng Tagapagligtas. Amen!

        O, San Jose, Mahal na Pintakasi:
        Ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.

     Dalit kay San Jose
           ~
     Ipanaing  mo  po  sa  mahal  mong  anak,|ng  aming  masunod|ang
                                                            ~
                                                                        ~
                            ~
       magandang hangad.
            ~
                       ~
     O kung magkagayo’y|di man kami dapat, mapapakibilang sa mga
                                                                 ~
       mapalad.

     Koro:
                                      ~
        Sabay-sabay  kami|ngayo’y  dumudulog|sa  mahal  mong
                                                                    ~
        harap|at idinudulot, kaluluwa’t buhay,|sampung mga kilos ng
           ~
                         ~
                     ~
        buong pagsinta’t|lubos na pag-irog.
     18
   15   16   17   18   19   20   21   22   23   24   25