Page 19 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 19
Kung ibig nating makamtan ang biyaya ng isang magandang
kamatayan, dapat tayong mamuhay magmula na ngayon sang-
ayon sa nararapat. Kung ano ang kabuhayan ay siya din naming
nagiging kamatayan sa maraming mga pangyayari at ang “kahoy
doon ay natutuluyang mabuwal sa kanyang kinahihiligan.” Dahil
dito ay layuan natin ang anumang pagkakasala; sikapin natin ang
makamtan ang isang mapalad na kamatayan sa pamamagitan ng
tapat na panunuparan sa ating mga katungkulan; pasanin natin
nang matamis sa loob at buong pagtitiis ang mga krus sa buhay;
at tayo’s mag-ipon ng mga kayamanang kailangan sa
ikapagkakamit ng buhay na walang hanggan sa magiging payapa
at mapalad. Araw-araw dumadalalangin tayo kay San Jose upang
makamtan natin ang isang magandang kamatayan; ipagdasal
natin ang mga naghihingalo at tayo ay hindi iiwan at hindi
pababayaan sa huling sandali ng ating buhay iyong pintakasi ng
magandang kamatayan.
Panalangin sa Karangalan ng Pitong Sakit at Pitong Tuwa
ni Poong San Jose
Dalit kay San Jose
O santong mapãlad|na iginagalang|ng tanang angheles at
~
sangkalangitan
~
~
Kami’y dumudulog|na nangagdiriwang|taglay ang adhikaing
~
kayo’y ipagdangal
Koro:
~
Sabay-sabay kami|ngayo’y dumudulog|sa mahal mong
~
harap|at idinudulot, kaluluwa’t buhay,|sampung mga kilos ng
~
~
~
buong pagsinta’t|lubos na pag-irog.
17