Page 18 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 18
na tulungan niya tayo sa mga pakikibaka natin sa mundo at sa
lamang lupa.
IKA-SIYAM NA ARAW
SI SAN JOSE, PINTAKASI NG MGA NAGHIHINGALO
Ang isang maganda at mapalad na kamatayan ay ang
pinakamalaking kapalaran na maaaring makamtan natin,
sapagkat ang sandaling ito ang pinakamahalaga at siyang
magpuputong sa buhay ng tao.
Si San Jose ang pintakasi ng naghihingalo sapagkat siya ay
namatay sa mga bisig ni Jesus at ni Maria. Siya ang nag-alaga
kay Jesus sa loob ng maraming taon; at dahil naman dito ay nasa
piling niya si Jesus sa oras ng kanyang kamatayan. Si Maria din
naman ay nasa piling ng kanyang malinis na asawa sa oras ng
kamatayan. Ang katangi-tanging bagay na nagpapakadakila sa
kamatayan ni San Jose ay ang pangyayari na si Jose ay may
malinis na puso. Ang malinis at banal niyang kabuhayan ay
siyang lalong mabuting paghahanda sa kamatayan. Siya ay
namatay matapos na matupad nang buong katapatan ang mga
katungkulan ng kanyang katayuan. Kailanman ay lagi siyang
maingat sa pagtupad sa kalooban ng Diyos at dahil dito ay
maaaring mamatay na lubos ng pananalig at pag-asa sa isang
malaking gantimpala sa kabilang buhay na walang hanggan.
Kailanman ay hindi nagkaroon ng isang aliping tapat na
maaaring pagsabihan ng Ama sa langit sa pagharap doon sa
buhay na walang hanggan ng mga pangungusap na ito: “Maigi,
mabuting alipin at tapat na loob; yamang naging tapat ka sa
kaunting bagay, ipinagkakatiwala ko sa iyo ang marami, pumarito
ka at makihati sa kaluguran ng iyong Panginoon,” at yaon ay
walang iba kundi si Jose.
16