Page 17 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 17
nahirang na maging kaisang-puso ng Birheng Maria, na tungkol
sa kanya ay ganito ng winika sa kanya ng propetang si Isaias:
“Alamin ninyo na ang birhen ay maglilihi at magluluwal ng isang
Anak.”
Si San Jose ay kinilala na isang malaking katangian ang maaring
mapanatili siya sa piling ng “Birhen ng mga Birhen,” na siya ay
nahirang ng Diyos na maging tagapag-ingat at tagapag-ampon sa
Ina ng Diyos. Ang malabis na pag-ibig ni San Jose sa pagkabinata
ay siyang naging sanhi upang siya ay maging pintakasi ng lahat
ng taong nakikibaka upang maingatan ang hiyas ng kalinisan.
Yaong may malinis na puso ay may malaking pananalig at
pagtitiwaala sa kanya, naghihintay at umaasa ng tulong yaong
mga kaluluwang nahahandog sa Diyos, na nangangailangan ng
tulong sa laot ng mga tukso. Ang lahat ay nakababatid na ang
hiyas na lalong mahalaga sa tao ay ang kalinisan ng puso. Ang
malinis at banal ay iniibig at kinagigiliwan ng lahat kahit na sa
mga pisngi ay namamalas ang mga guhit na tanda ng katandaan.
Kung ibig nating ingatan ang hiyas ng kabanalan, ay dapat nating
tularan at sundin ang payo ng mabathalang Mananakop na
nagsabi: “Magpuyat kayo at manalangin.” Dapat nga tayong
magpuyat at mag-ingat sapagkat sa puso ng tao ay nahihimlay
ang marami at iba’t ibang hilig na dapat nating masugpo at
maipailalim sa ating kapangyarihan kung hindi natin ibig na
sumapit ang panahon na siya ang magbulid sa atin sa
kapahamakan. Dapat nating ingatan ang pakiramdam at sangkap
ng ating katawan; ang mga paningin upang huwag malasin ang
mga bagay na bawal na bawal at hindi nararapat tingnan; ang
mga pandinig na dapat manipid sa anumang malaswa at
mahalay na usapan; ang ating dila nang upang sa ating bibig ay
huwag mamutawi ang masasamang pangungusap. Gayundin
naman marapat na tayo ay dumalangin kay San Jose sa sandali
na tayo ay binabaka ng mga tukso at maaari tayong makapanalig
15