Page 12 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 12

halimbawa  para  sa  lahat  ng  tao  lalo  na  sa  panahong  ito  ng
     pananalat.

     Sa kasalukayang panahon ay nababalitaan sa magkabilang ibayo
     ng daigdig ang mga aklasang karaniwa’y sulsol lamang noong
     mga galamay ng Komunismo. Sa panahon nating ito babahagya
     pa  ang  nakadama  ng  lubos  na  katahimikan  ay  nakikita  nating
     nagbabadya ang bagong kaguluhang bunga ng maling pananalig
     na ito ng mga manggagawa. Sa ganitong mga mapanganib na
     panahon, ang isang taong Katoliko ay hindi dapat paglahuan ng
     lakas ng loob. Kundi bagkus pa ngang magpakatibay at umasa
     kay San Jose, na uliran at mapang-aliw sa mga nangangailangan.
     Siya ang tanod ng manggagawang Katoliko, na pinagpala niya at
     itinuro sa kanya sa Diyos at sa Iglesya Katolika sa mahirap na
     kapanahunang ito. Ang tapat at wagas na pamimintuho kay San
     Jose ay isa sa mga yugto at pangkat na tinatawag na “Kilusang
     Katoliko” sa gitna ng mga tao.


                               IKA-LIMANG ARAW
           SI SAN JOSE, ULIRAN SA KATUWIRAN AT KATAPATAN

     Ang Banal na Kasulatan ay naglalarawan sa atin ng buhay ni San
     Jose sa kaunting pangungusap lamang. Kaunti lamang salita ang
     natunghayan sa Banal na Kasulatan tungkol kay San Jose, gayong
     walang tao dito sa balat ng lupa na nakarating sa lalong mataas
     na  katayuan  at  karangalan  ng  kanyang  sinapit.  Ang  tanging
     nababanggit tungkol kay San Jose ay ang nauukol sa kanyang
     pagkamatuwid; kabanalan na nakamtan matapos ang mahabang
     panahon  ng  pagsasanay  at  pagsisikap.  Ang  kanyang
     pagkamarangal  sa  pag-iisip  at  paggawa  ay  bungang  tunay  ng
     kanyang katuwiran. Si San Jose ay isang taong may pananalita at
     tapat  sa  kanyang  pangungusap;  kailanman  ay  pinararaan  ang
     kisinungalingan at ang kapusukan.

     10
   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17