Page 10 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 10

at Gumawa.” Ating dalawin si San Jose doon sa pagawaan sa
     Nasaret at doon ay makisama tayong gumawa sa piling ng Diyos.

     Si  San  Jose  ay  nagbuhat  sa  dugo  ng  mga  Hari;  ngunit  ang
     kadakilaan  ng  kanyang  lahi  ay  hindi  pagiging  hadlang  upang
     kanyang matutuhan ang gawain ng isang anluwagi. Ang kanyang
     gawain tila walang halaga sa mata ng madla, datapwa’t si San
     Jose ay hindi man dumaing dahil diyan. Siya ay namumuhay na
     maligaya sa katayuang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos at buong
     kasiya-siya at matapat na tumupad sa mga tungkulin ng kanyang
     katayuan,  sa  kanyang  kaluluwa  ay  naghahari  ang  ganap  na
     kapayapaan. Si San Jose ay gumagawa sang-ayon sa Diyos. Ang
     pawis  na  tumutulo  sa  kanyang  noo  ay  natatalaga  sa  Anak  ng
     Diyos at sa Kanyang kabanal-banalang ina, nang upang sila ay
     magkaroon  ng  ikakatawid  sa  buhay.  Si  San  Jose  samantalang
     gumagawa,  ang  ala-ala  at  gunita  ay  hindi  naman  nalalayo  sa
     pinakamalinis  sa  mga  babae  at  sa  Sanggol  na  kaibig-ibig  at
     masintahing  walang  katulad  sa  balat  ng  lupa;  ang  dalawang
     Talang ito ng puso at pag-ibig ay siyang paraiso niya dito sa lupa.
     Samantalang gumagawa ay tila baga nauulinigan niya ang tinig
     ng isang anghel na sa kanya ay sinabi ang pangungusap na ito
     ng  Banal  na  Kasulatan:  “Hayan  ang  ating  aliping  tapat  at
     maalam, na pinagkatiwalaan ng Diyos na mamahala sa kanyang
     angkan upang ipamahagi niya ang pagkain sa kapanahunan.”

     Ang karamihan sa tao ay namumuhay sa mga hamak at abang
     katayuan, sa pagbabanat ng kanilang mga bisig upang matamo
     ang ipagtatawid-buhay. Tayo nga ay ay sumang-ayon sa ating
     abang kapalarang itinalaga sa atin ng Diyos at iyan ay pinarangal
     at  pinaging  dakila  ni  San  Jose  sa  pamamagitan  ng  kanyang
     halimbawa. Huwag nating kainggitan ang mga mayayaman. Sa
     harap  ng  Diyos,  ang  tanging  mahalaga  ay  tayo  ay  maging
     masunurin sa mga tungkulin ng ating katayuan.


     8
   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15