Page 15 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 15

ang inyong mga karaingan . . . at ang kapayapaan ng Diyos, na
     higit sa lahat ng bait at pag-iisip ay siyang magiging tanod ng
     inyong mga puso, ng inyong mga damdamin kay Hesukristo.”

     Ang  pagsang-ayon  sa  kalooban  ng  Diyos  ay  lumikha  ng
     kapayapaan  at  kaligayahan  at  tayo  ay  pinaging-mayaman  sa
     harap ng Diyos. Pasanin nga natin ang lahat nating krus nang
     buong  pagtitiis  kagaya  ni  San  Jose.  At  ang  bagay  na  iyan  ay
     ipinapayo sa atin ng pagtulad kay Kristo. Ang pagtitiis ay siya
     ninyong paglilingkod sa Kanya magpakailanman. Walang bagay
     na kaibig-ibig sa Diyos at sa iyo na totoong makakabuti, kundi
     ang magtiis ng matamis na kalooban nang dahil kay Kristo.


                               IKA-PITONG ARAW
                   SI SAN JOSE, KAIBIGAN NGA MGA BATA

     Kung minsan ay namamalas natin ang larawan ng kabuhayan sa
     Nasaret na doon ay nakikita si San Jose na nakikipaglaro sa bata
     na si Jesus. Ito ay hindi isang katha lamang at bunga ng isang
     diwang mahiligin sa sining, kung hindi tunay na pangyayari sa
     tahanan sa Nasaret. Si San Jose ay kaibigan ng mga bata at sa
     mga  sandali  na  walang  ginagawa,  ang  kinagigiliwan  niyang
     gawin ay ang maglibang sa piling ng batang si Jesus. Sa gayong
     mga pagkakataon, ang mga tanikala ng pag-ibig sa dalawang ito,
     kay Jesus at kay San Jose, ay lalong tumitibay at nag-aalab, at
     itong banal na paglilibang na ito ay ang ligayang pinakamalaki
     para  sa  malinis  na  si  San  Jose,  matapos  ang  maghapong
     paggawa at kapaguran. Hari nawa at sa ating kapanahunan ay
     makita natin ang kaunting tilamsik man lamang ng pagtitiwala at
     pagpapalayang  iyan  sa  mga  ama  at  mga  anak;  hari  nawa  at
     makilala ng lahat ng anak sa kanilang mga magulang ang mga
     kinatawan ng Diyos.


                                                                              13
   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20