Page 14 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 14

IKA-ANIM NA ARAW
       SI SAN JOSE, ULIRAN SA PAGTITIIS AT PAGSANG-AYON SA
                                   MGA SAKUNA

     Si San Jose ang lalong magandang halimbawa sa pagsang-ayon
     sa kalooban ng Diyos sa lahat ng sakuna sa buhay. Ang Banal na
     Angkan ay malimit na magdanas ng mga kaguluhan at sakuna.
     Si San Jose ay may isang hamak na paggawaan sa Nasaret, na
     pinagkakakitaan  ng  sapat  na  ikabubuhay,  ngunit  sumapit  ang
     sandali  na  napilitan  siyang  iwan  ang  gawain,  ang  kanyang
     bayan, upang sumama kay Maria na maglakbay sa Belen.  Sila
     ay  sumapit  doon  na  hapong-hapo  sa  pagod  at  wala  naming
     magpatuloy sa kanila. Nang walang pumansin isa man sa balat
     ng lupa at sa gitna ng ganap na karalitaan, ay siya ang tanging
     saksi sa kapanganakan ng Anak ng Diyos. Makaraan pa ang ilang
     taon napilitan naman silang magtago sa Ehipto. Tinahak nila ang
     hindi kilalang lupain at ang Banal na Angkan ay nagdanas ng
     mga kasamaan ng panahon. Si San Jose ay buong pagsang-ayon
     tumungo sa ibang bayan sapagkat alam niya sa kabila ng mga
     kahirapang iyan ay naghahari at pinapatnubayan naman siya ng
     kamay  ng  Diyos  na  siyang  nagpahintulot  sa  lahat  ng  ito.  Ang
     kaaliwan na nagdudulot ng ginhawa ng Diyos.

     Kung  ang  Banal  na  Angkan  ay  hindi  nakaligtas  sa  gayong
     karaming krus at pahirap, katuwiran naman na hindi natin dapat
     na  pagtakhan  kung  ang  ating  mga  angkan  at  tahanan  ay
     dinadalaw  ng  mga  krus  at  pagtitiis.  Huwag  nawa  tayong
     paghaluan  ng  lakas  ng  loob  na  likha  ng  mga  kahirapan  at  ng
     sakuna sa buhay at ng amis at imbing ng kapalaran. Ano ang
     mapapala natin, dumaing man tayo dahil sa krus ng buhay at
     kahirapan na hindi maaaring mawala sa angkan?

     “Huwag kayong magulo dahil sa pag-aalala sa anumang bagay”-
     ang wika ni San Pablo – “kung hindi sa lahat ay iharap sa Diyos

     12
   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19