Page 13 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 13

Ang  hindi  lumalabag  sa  matuwid  ay  tapat  din  naman.  Sa
     lahat ng mga hinihiling sa kanya ng Diyos, siya ay naging
     tapat hanggang sa kaliit-liitang bagay at walang kuro-kuro
     at  palagay  ng  mga  tao  na  makapaglayo  sa  kanya  sa
     pagkamatapat niya.

     Ang  sigaw  ng  katuwiran,  higit  sa  lahat,  ay  ang  sigaw  ng
     katuwiran  ng  samahan  na  hindi  maaaring  mapipi  ng
     kapanahunan. Ngayon ay totoong marami ang gawang labag
     sa matuwid at walang ginagawa laban diyan. Ang katuwiran
     ng samahan at ng madla, na hindi mamakailang nabanggit
     ng  Papa  ay  isang  makapangyarihang  pangangailangan  sa
     mga  araw  na  ito.  Ngunit  ang  katuwirang  ito  ay  ating
     tatamuhin  lamang  kung  ang  lahat  at  bawat  isa  sa  atin  ay
     manumbalik sa katuwiran. Una at higit sa lahat ng bagay ay
     dapat tayong maging matuwid at tapat sa harap ng Diyos at
     ng  angkan.  Gaano  karami  ang  mga  kalapastanganan  at
     labag sa matuwid na mga gawa ang nangyayaring laban sa
     angkan, laban sa asawang lalaki o babae, sa mga anak at
     sa mga mamamayan man. Ang ating makabagong bansa at
     katayuang  lumalaganap  sa  puso  ng  tahanan  at  angkan  ay
     lumalakdaw  sa  mga  hantungang  itinakda  ng  Diyos  sa
     pamamagitan ng masasamang batas ng pag-aasawa, yaong
     nauukol  sa  paaralang  walang  Diyos,  at  iba  pa.  Sa  mga
     ganitong  katayuan,  ang  mga  angkang  Katoliko  ay  dapat
     ipagtanggol       at    manatiling       tapat    sa     Diyos     at    sa
     pananampalataya,  sa  harap  ng  gayong  kalapastanganan.
     Kinakailangan  ang  pagtutulong-tulong  ng  bawat-isa.  Ang
     pinag-uusapan ay ang kaligtasan ng libu-libong kaluluwa at
     ng  kaharian  ng  Diyos.  Si  San  Jose,  tapat  na  anluwagi  sa
     Nasaret,  ay  siya  din  naman  nating  tanging  pintakasi  sa
     mahalagang bagay sa buhay.



                                                                              11
   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18