Page 7 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 7
Mga Pagninilay sa Bawat Araw
UNANG ARAW
SAN JOSE, PUNO NG BANAL NA MAG-ANAK
Ang isa sa mga pinakamalaking kasamaan sa kapanahunan natin
ay ang sama ng angkan at ang pagkalayo niya sa Diyos. Sa
pagbabago ng tahanang-binyagan, nasasalig ang kabutihan ng
isang bansa.
Tayo ay dumulog kay San Jose, Puno ng Sagrada Familia. Ituturo
niya ang paraan kung paano ang tahanan ay nagiging tahanan
ng kabutihan. At sino ang maaaring makapagsiwalat sa atin ng
naganap sa puso ng mapalad na si Jose, na pinagkatiwalaan ng
Diyos ng Kanyang Anak at ng kabanal-banalang Birheng Maria?
Si San Jose na namuhay sa piling ni Jesus na Anak ng Diyos.
Si San Jose ang saksi ng mga hindi matantong hiwaga sa Belen.
Namalas niya ang mga pastol ng hayop at mga Haring Mago, na
nagsingayupapa at nagpatirapa sa harapan ng mabathalang
Sanggol na nahimlay sa isang sabsaban. Ang mga anghel ng
kalangitan ay hindi mamakailang nanaog sa lupa upang
ipahayag sa kanya ang mga adhika at kalooban ng Diyos na
walang hanggan. Ilang mga hari at propeta ang nagnais ng buong
pag-aalab upang mamalas ng kanilang sariling paningin ang
Mananakop na ipinangako. Hindi lamang nakita ito ni San Jose
ng sarili niyang mga paningin, kung hindi nabuhay pa siya sa
kanyang piling. Hindi mamamakailang naiduyan sa kanyang mga
bisig at nagawaran ang kanyang noo ng matatamis na halik ng
pag-ibig.
Sikapin nating mabuhay katulad ni Jose, na laging nakapisan kay
Jesus, alalaong baga, ay ingatan natin na ang ating kaluluwa na
5