Page 4 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 4
Namumuno: Papuri sa Ama, at Anak at sa Espiritu Santo.
Lahat: Kapara nang una, ngayon, magpakailanman at
magpasawalang hanggan. Amen.
Sa Anghel na Tagatanod
Lahat: Anghel ng Diyos, na dahil sa dakilang pagmamahal-
ama ay inilagay ako ng Panginoon sa ilaim ng iyong
pangangalaga; sa araw na ito ay liwanagan, ingatan,
pangunahan at patnubayan mo ako na ipinagkatiwala
sa iyong pagkakandili. Amen.
San Jose Manggagawa
San Jose, San Jose!
Pintakasing dakila ng manggagawa
Sa Simbaha’y lagi kang nagbabantay,
Amang butihi’t gabay sa lupa
ni Hesukristong dinarakila.
Kami ay dumudulog sa ‘yong pamamagitan
Sa Diyos ating Amang mapagmahal,
Na sana’y pagpalain at pagyamanin
Aming parokyang pinamayanan.
Mga Manggagawa tangi sa’yo.
Tiwalang tunghay ang noo sa iyo.
Sa gawa’y tulungan at nang umunlad
Ang buhay na aba at sayo’y matulad.
Sa tulo ng pawis at banat na laman
Sa gitna ng hirap at kasiphayuhan,
Kami’y magisiskap magbangong dagal;
Sintang pintakasi kami’y tulungan.
O San Jose, O San Jose!
Namumuno: Lumuhod po ang lahat.
2