Page 5 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 5

Yugto ng Pagsisi

     Lahat:          O  Diyos!  Sa  iyo  kami  sumasampalataya,  sa  iyo
                     umaasa at ikaw ay aming iniibig nang higit sa lahat
                     ng  bagay;  kami  ay  naririto,  na  nagpapatirapa  sa
                     iyong  harapan.  Buong  kapakumbabaan  naming
                     hinihingi  sa  iyo  ang  kapatawaran  ng  aming
                     kasalanan. Kami ay isang hamak na makasalanan
                     na  kung  hindi  matutulungan  ng  iyong  mahal  na
                     biyaya  ay  walang  magagawa.  Magmula  sa
                     kaibuturan  ng  aming  puso  ay  hinihiling  po  namin
                     ang kapatawaran sa aming mga kasalanan at ang
                     pagtitikang  matibay  mula  ngayon,  ay  huwag  ng
                     magkasala.  Lubos  ang  aming  pagtitiwala  at
                     pananalig  sa  tulong  ng  iyong  biyaya.  O  Diyos  na
                     maawain, hindi mo maaaring itakwil at itaboy ang
                     pusong  nagsisi.  Kami  naman  ay  huwag  itakwil
                     sapagkat  ang  puso  namin  ay  sakbibi  ngmatinding
                     sakit, sa dahilang hindi mamakailan na ikaw po ay
                     aming nalapastangan at napagkasalahan. Kami ay
                     ay hindi karapat-dapat na lawitan mo ng patawad,
                     ngunit  ang  iyo  namang  kaawaan  ay  lalong  higit
                     kaysa lahat ng aming mga kasalanan.


                     Panginoon, mahabag ka po sa amin, sapagkat kami
                     ay isang hamak na makasalanan.


                           Panalangin sa Bawat Araw

     Lahat:          O maluwalhating Patriarkang San Jose! Na kalinis-
                     linisan kaisang-puso ng Birhen hindi nabahiran ng
                     dungis  ang  kalinisan,  na  uliran  ng  lahat  ng  mga
                     kabanalan; sa iyong tanging pag-aampon kami ay
                     dunudulog at hinihingi ang iyong pagpapala upng
                     aming  matunton  ang  landas  ng  kabanalan  at
                                                                                3
   1   2   3   4   5   6   7   8   9   10