Page 3 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 3

Lahat:          Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
                     Amen


                                      Angelus

     Namumuno:  Binati  ng  Anghel  ng  Panginoon  si  Ginoong  Santa
                     Maria
     Lahat:          At siya’y naglihi lalang ng Diyos Espiritu Santo.
                     Aba Ginoong Maria…

     Namumuno:  Narito ang alipin ng Panginoon…
     Lahat:          Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.
                     Aba Ginoong Maria…

     Namumuno:  At ang salita ay nagkatawang-tao…
     Lahat:          At tumira sa gitna natin.
                     Aba Ginoong Maria…

     Namumuno:  Ipanalangin mo kami Banal na Ina ng Diyos…
     Lahat:          Nang  kami  ay  maging  dapat  makinabang  ng  mga
                     pangako ni Hesukristong Panginoon.

     Namumuno:  Manalangin tayo…
     Lahat:          Panginoon naming Diyos, kasihan nawa ang aming
                     kaluluwa ng Iyong mahal na grasya, at yayamang
                     dahilan sa pananalita ng Anghel ay nakilala namin
                     ang  pakakatawang-tao  ni  Hesukristong  Anak  Mo,
                     pakundangan at pagpapakasakit at pagkamatay sa
                     krus  ay  papakinabangan  Mo  kami  ng  Kanyang
                     pagkabuhay na mag-uli, sa kaluwalhatian sa langit,
                     alang-alang  kay  Hesukristong  Panginoon  namin.
                     Amen.



                                                                                1
   1   2   3   4   5   6   7   8