Page 22 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 22

Koro:
        Naririto na nga|at pisan-pisan halos|sa mahal mong Harap|at
                                                                           ~
                                             ~
                                                             -
        inihahandog  ng  buong  pag-ibig,  kaluluwa’t  loob,  sampu  ng
                              ~
              ~
           ~
        panatang|sa mundo’y paglimot.

     3. O lubhang masunuring gumaganap ng mga kautusan ng Diyos,
        maluwalhating  San  Jose,  ang  kamahal-mahalang  dugong
        ibinubo ng Sanggol na mananakop, ay naging sakit na tumagos
        sa iyong puso, ngunit ang pangalang Hesus ay naging mula ng
        di masabing tuwa.

        Alang-alang dito sa ikatlong sakit mo’t tuwa ay pakamtan mo sa
        amin  na  mabuhay  kaming  malayo  sa  dilang  kasalanan  at  sa
        pagkalagot ng aming hininga ay may katuwaang sambitin ng
        aming loob at bibig ang kasantu-santuhang pangalang Hesus.

        San  Jose,  anak  ni  David,  esposo  ng  Birheng  Maria,
        pinararangalan  ka  namin  tagatanod  ng  Manunubos,  at
        sinasamba  naman  namin  ang  Batang  pinangalanan  mong
        Hesus.
        San Jose, pintakasi ng buong simbahan, ipanalangin mo kami
        upang  matularan  namin  ang  panghabang-buhay  mong
        pagkalinga sa mga kapakanan ng Tagapagligtas. Amen!

        O, San Jose, Mahal na Pintakasi:
        Ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.

     Dalit kay San Jose
                   ~
     Ikaw ang pinili|na pinapag-ingat|sa Birheng pinuspos ng langit sa
                                     ~
                                                           ~
        dilag|
               ~
     Ano pa at kayong|dalawa’y binatbat|ng grasya’t biyayang walang
                                        ~
        pagkalipas.
               ~


     20
   17   18   19   20   21   22   23   24   25   26   27