Page 25 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 25

~
                                          ~
     Una  nga’y  kay  Hesus,|sa  Birheng  marilag,|at  saka  sa  iyo,|O
                                                                          ~
        Santong mapalad.

     Koro:
                                             ~
        Maluwalhating           Poon,|pintakasing          hayag|ng         mga
        nangaghihingalo’t|nangababagabag,|    kami’y  kalingain,|mata
                                           ~
                          ~
                                     ~
        mo’y ilingap sa nangaghandog|sa ‘yo ng pagliyag.

     6.      O  Anghel  ka  dito  sa  lupa,  maluwalhating  San  Jose,  na
        natatausan  ka  ng  di  masabing  pagkamangha  nang  Makita
        mong sumusunod sa iyo ang Hari ng langit. Kung malaki man
        ang  nakamtan  mong  tuwa  sa  pag-uwi  galing  Ehipto,  ay
        nahaluan  naman  ng  sakit  ng  takot  kay  Arkelao,  ngunit  sa
        pagsunod mo sa bilin ng anghel ay tumahan kang maligaya sa
        Nazaret.

        Alang-alang dito sa ikaanim na sakit mo’t tuwa ay pakamtan mo
        sa amin na kung ang aming puso ay ligtas sa nakaliligalig na
        pangamba ay malubos ang kapayapaan ng aming loob, at nang
        kung  kami’y  mabuhay  na  tahimik  na  kasama  ni  Hesus  at  ni
        Maria, kami ay tulungan nila sa aming paghihingalo.

        San  Jose,  anak  ni  David,  esposo  ng  Birheng  Maria,
        pinararangalan  ka  namin  tagatanod  ng  Manunubos,  at
        sinasamba  naman  namin  ang  Batang  pinangalanan  mong
        Hesus.
        San Jose, pintakasi ng buong simbahan, ipanalangin mo kami
        upang  matularan  namin  ang  panghabang-buhay  mong
        pagkalinga sa mga kapakanan ng Tagapagligtas. Amen!

        O, San Jose, Mahal na Pintakasi:
        Ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.



                                                                              23
   20   21   22   23   24   25   26   27   28   29   30