Page 30 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 30
na pag-ibig na ipinakisama mo sa kalinislinisang
Birheng Mariang Ina ng Diyos, at sa pagsintang Ama
na iniyakap mo sa Banal na Sanggol na si Hesus, ay
isinasamo namin sa iyo ng lubos na
kapakumbabaan ng loob, na ilingap mo ang mat
among maawain sa manang kinamtan ni Hesukristo
ng kanyang mahalagang dugo, at ampunin mo ang
aming mga pangangailangan ng iyong tulong at
kapangyarihan.
O lubhang maingat na tagapagtangkilik ng mag-ina
ni Hesus, ampunin mo ang hirang na lipi ni
Hesukristo; ilayo mo sa amin ang tanang karungisan
ng maling aral o masamang ugali. O
makapangyayari’t maawaing Pintakasi, tulungan
mo kami buhat sa langit sa pakikilaban namin sa
demonyo, ipagtanggol mo ngayon ang Santa Iglesia
ng Diyos sa kalupitan at sa mga silo ng kanyang
mga kaaway at sa dilang hilahil, gaya ng pagliligtas
mo nang unang araw, sa mahal na sanggol na si
Hesus sa panganib na kninalagyan ng kanyang
buhay; at kupkupin mo naman kaming lahat ng lagi
mong saklolo, upang sa pamamagitan ng iyong pag-
aampon at tulad sa iyo ay matuto rin kaming
mabuhay at mamatay sa kabanalan at makamtan
namin ang kapalarang walang-hanggan sa langit.
Amen.
\Dalanging Pangwakas Sa Bawat Araw
Lahat: O Dakilang Patriarkang San Jose, malinis na
kaisang-puso ng Birheng kalinis-linisan at itinuring
ama ng Anak ng Diyos, kami ay lumalagay sa ilalim
ng iyong tanging pag-aampon sa lahat ng oras ng
28