Page 26 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 26
Dalit kay San Jose
~
Kami’y naririto’t/muling dumudulog,|galing sa adhikaing|di ka
malilimot. ~
~
Bagu’t bagong puri,|aming ihahandog,|sa iyong pangalan|Ama
~
~
naming irog.
Koro:
~
Huwag mong ikait|sa amin ang habag,|tungkod mo’y
~
~
iabot,|kami’y manghahawak.|
~
~
-
S’yang gagabayin|sa aming paglakad|sa gitna ng mundong,
~
~
bayan ng bagabag.
7. O maluwalhating San Jose, uliran ka ng dilang kabanalan,
malaking dikapala ang dinamdam mong sakit doon sa tatlong
araw na ipinaghanap mo kay Hesus na bata. Ngunit humalili
naman ang di-masabing tuwa nang Makita mo sa templo ang
kinabubuhayan mo na napapagitna sa mga doktor.
Alang-alang dito sa ikapitong sakit mo’t tuwa ay isinasamo
namin sa iyo, mula sa kaibuturan ng aming puso, na sa tulong
ng mahal mong saklolo, ay huwag sanang mawala sa amin si
Hesus dahil sa kasalanang dakila at kung sakaling kami’y datnan
ng gayong kasamaang-palad, ay makita nawa naming muli ang
kanyang awa, lalo na sa oras ng kamatayan at nang makamtan
namin siya doon sa langit at kami ay makasama sa iyo sa
pagpupuri ng kanyang mga kaawaan maparating saan man.
San Jose, anak ni David, esposo ng Birheng Maria,
pinararangalan ka namin tagatanod ng Manunubos, at
sinasamba naman namin ang Batang pinangalanan mong
Hesus.
San Jose, pintakasi ng buong simbahan, ipanalangin mo kami
upang matularan namin ang panghabang-buhay mong
pagkalinga sa mga kapakanan ng Tagapagligtas. Amen!
24