Page 31 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 31
kamatayan. Sa paraan din naman na kung papaano
iyong pinapatnubayan at inampon ang Batang si
Jesus sa Kanyang kabataan, kami din naman ay
iyong patnubayan at ampunin upang kami
kailanman ay hindi masinsay sa landas ng
kabutihan. Paging dapatin mo nawa na sa bawat
araw ng aming buhay, kami ay maging tapat sa
panunuparan sa aming katungkulan ng
pagkabinyagan. Magalingin mo nawa na aming
tamuhin ang biyaya na ikaw ay aming matularan at
matupad namin ang natutuhan mong tuparin nang
lubhang kahanga-hanga: “Manalangin at gumawa”
upang sa ganitong paraan ay maparaan namin ang
lahat ng mga araw at sandali ng aming buhay sa
gawang kabanalan at nang kami ay maging dapat
sa gantimpala sa buhay na walang hanggan. Ngunit
ang higit sa lahat ng dahil diyan, kami ay lumalagay
sa ilalim ng iyong pagkandili, ay ang mapalad na
sandali ng aming pagpanaw. Makamtan nawa
namin sa pamamagitan mo, o Dakilang Patriarka,
ang biyaya na mamatay sa mga bisig ni Jesus,
kagaya ng iyong sinapit noong ikaw ay pumanaw.
Ilayo mo nawa sa amin sa sandaling mapanganib
na yaon ang mga huling pangungusap na mamutawi
sa aming mga labi sa oras ng kamatayan: Jesus,
Maria at Jose! Siya nawa.
Namumuno: Pagpalain tayo ng Makapangyarihang Diyos Ama at
Anak at Espiritu Santo.
Lahat: Amen.
29