Page 29 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 29

Kordero  ng  Diyos  na  nakawawala  ng  mga  kasalanan  ng
                     Sanlibutan
                     Patawarin mo kami.

     Kordero  ng  Diyos  na  nakawawala  ng  mga  kasalanan  ng
                     Sandaigdigan;
                     Pakinggan mo kami.

     Kordero  ng  Diyos  na  nakawawala  ng  mga  kasalanan  ng
                     santinakpang langit;
                    Kaawan mo kami.

     Namumuno:  Ginawa siyang panginoon ng kanyang bahay.
     Lahat:          At tagapamahala ng lahat niyang mga pag-aari.

     Namumuno:  Ipanalangin mo kami, Mahal na Poong San Jose.
     Lahat:          Nang  kami  ay  maging  dapat  makinabang  sa  mg
                     pangako ni Hesukristong Panginoon.

     Namumuno:  Manalangin Tayo…
     Lahat:          Panginoong Diyos, na sa isang tanging dimasayod
                     na pamamahala mo ay hinirang mo si San Jose, na
                     maging Esposo ng Iyong Ina, ang kabanal-banalang
                     Birheng Maria, maawa ka’t ipagkaloob mo sa amin,
                     na yayamang siya’y iginagalang naming Pintakasi
                     dito sa lupa, ay siya rin namang bukod na kumalara
                     sa amin sa kaharian ng langit. Na nabubuhay ka’t
                     naghahari magpasawalang-hanggan. Amen.


                                     Panalangin

     Lahat:          Sa  iyo  po,  maluwalhating  San  Jose,  nagsasakdal
                     kami  sa  aming  mga  kapighatian;  at  pagkahingi
                     namin  ng  saklolo  sa  iyong  kabanal-banalang
                     esposa, idinadalangin din namin ang iyong saklolo,
                     taglay ang buong pananalig, alang-alang sa dalisay

                                                                              27
   24   25   26   27   28   29   30   31   32   33   34