Page 23 - Pagsisiyam sa Karangalan ni Poong San Jose
P. 23
Koro:
Naririto na nga|at pisan-pisan halos|sa mahal mong Harap|at
~
~
-
inihahandog ng buong pag-ibig, kaluluwa’t loob, sampu ng
~
~
~
panatang|sa mundo’y paglimot.
4. O Santong lubhang tapat ang loob, kasangguni sa mga
talinhagang gawa ng pagsakop sa amin, maluwalhating San
Jose, kung ang paghula ni Simeon ng mga karalitaang hirap ni
Hesus at Maria ay naging sakit mong Kamatay-matay, ang
paghula niya naman, na yao’y ikagagaling ng di-mabilang ng
mga kaluluwa ang siyang ikinapuspusang-tuwa ng loob mo.
Alang-alang dito sa ikaapat na sakit mo’t tuwa ay pakamtan mo
sa amin na kami ay ipakibilang mo sa mga mabubuhay na mag-
uli na magsisiluwalhati sa langit pakundangan sa mga
karapatan ni Hesus at sa pagmamakaawa ni Maria.
San Jose, anak ni David, esposo ng Birheng Maria,
pinararangalan ka namin tagatanod ng Manunubos, at
sinasamba naman namin ang Batang pinangalanan mong
Hesus.
San Jose, pintakasi ng buong simbahan, ipanalangin mo kami
upang matularan namin ang panghabang-buhay mong
pagkalinga sa mga kapakanan ng Tagapagligtas. Amen!
O, San Jose, Mahal na Pintakasi:
Ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.
Dalit kay San Jose
~
~
Sa araw na ito’y|tanging hinihiling|namin santong mahal,|iyong
~
~
~
~
marapatin na|ang munting handog|ngayon ay tanggapin,|ihain sa
~
~
Diyos Amang maawain.
21