Page 20 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 20
Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed
salubungin si Kristo hindi lamang sa kanyaqng kadakilaan kundi
gayon din sa kanyang kalungkutan. Maraming sandaling si Kristo ay
sumasaatin hindi lamang sa kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian
kundi gayon din sa kanyang lungkot, sa kalunus-lunos na paghihirap
at pagpapakababa. At kung siya ay pumapasok sa ating buhay sa
anyong hindi kanais-nais at pinangingilagan, tayo ba’y
nagmamagandang-loob na tumungo sa ating Mananakop, maging
yao’y sa anyo ng kadakilaan ng kanyang kabanalan o ng balon ng
kanyang pagpapakumbaba?
PAGNINILAY-NILAY
Kung ang pagiging Kristiyano ay nagbibigay sa inyo ng kahirapan,
kung ang iyong pananampalataya at mga tungkulin doon ay hindi
kaakit-akit, mananatili ka bang matibay sa iyong pananalig at
magpapasyang maging tapat, maging sa lalong madilim na sandali ng
kabiguan?
Kung ang iyong buhay ay nasadlak sa kadiliman at lagim, taglay
mo rin ba ang damdamin ni Santa Maria sa pagtanggap kay Kristo sa
iyong buhay? Dumudulog ka ba sa Ina ng Sakit kung ikaw ay nasa gitna
ng panlulumo sa kabiguan?
PANALANGIN
Ina ng lungkot, sa pamamagitan ng hapis na iyong tiniis nang ang
bangkay ni Kristo’y inilagay sa iyong kandungan, loobin mo nawa na
kami ay maging mga tapat na anak ng Banal na Simbahan, maging
laging wagas sa mga aral ng mga kinatawan ni Kristo sa lupa. Loobin
mong kami’y maging tapat na anak ng Banal na Simbahan sa mga araw
ng kaligayahan at mga gabi ng lumbay. Ipamagitan mo kami sa Haring
Diyos upang matamo namin ang ang aming hinihiling sa pagsisiyam na
ito (magnilay-nilay sandali)… kung yao’y sa lalong karangalan at
kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti ng aming kaluluwa.
LITANIYA SA MAHAL NA INA NG HAPIS (p. 3)
Aba Ginoong Maria (3x)
Papuri. . .
18 | Mahal na Ina ng Hapis