Page 16 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 16
Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed
PANALANGIN
Ina ng lungkot, dahil sa mahapdiang sakit na iyong idnanas nang
harapan mong masalubong ang iyong Anak, na may krus ng
kamatayan sa kanyang balikat, loobin mong harapin namin ang mga
lumbay na gaya sa isang tunay na Kristiyano. Bigyan mo kami ng
biyaya upang tanaggpin ang krus, ang banal na tanda ng aming
kaligtasan upang kami’y maging karapat-dapat sa namatay na
Mananakop. Ipamagitan mo kami sa makalangit na kapangyariahn sa
aming kahilingan sa pagsisiyam na ito…(Banggitin ng tahimik ang
kahilingan)…Kung yao’y sa lalong ikadarakila ng karangaln at
kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti ng aming kaluluwa.
LITANIYA SA MAHAL NA INA NG HAPIS (p. 3)
ABA GINOONG MARIA (3X)…
PAPURI…
IKAANIM NA ARAW
Si Maria sa Paanan ng Krus
PAMBUNGAD NA PANALANGIN (p. 1)
PANIMULA
(Magsiupo ang lahat.)
Wala nang larawang lalong kalunus-lunos pagmasdan kaysa sa
larawan ng banal na Ina sa paanan ng Krus na kinalulupaypayan ng
kaniyang Anak. Ang paghihinagpis, ang kalungkutang natitipon sa
tanawing iyon, ay naglalarawang ng unang biyernes Santo, at inabot
pa natin upang ulit-uliting ang lumbay ng ina sa pagkamatay ng
kanyang Anak.
Si Santa Maria ay hindi tumatakas na gaya ng ginawa ng mga
Aposotlo; hindi na gunita ni Santa Maria ang kanyang sarili sa Krus ng
kaniyang anak; nararamdaman din niya sa kanyang puso ang saksak,
ang palo ng martilyo, ang pag-alimura ng tanan.
14 | Mahal na Ina ng Hapis