Page 15 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 15
siya’y naglakas-loob ding sumunod hanggang sa itaas ng Kalbaryo,
ang pook na pinagpakuan kay Kristo at kinamatayan niya.
Kaya dapat nating isiping malimit na salubungin si Kristo dala ang
kanyang Krus. Madalas sa ating buhay na tayo’y binibigyan ng krus ni
Kristo, at hinihiling niyang ating tanggapin at dalhin alang-alang sa
kanya.
Ang buhay, sa katotohanan, ay puno ng pagpapakasakit, lumbay at
kalungkutan; tanging ang walang katinuan lamang ang umaasang
makatatagpo ng buhay na puro katinuan, higaang rosas o isang
paraiso sa lupa. Pagpapakasakit, kapahamakan, kasawian sa
katawan at isip, pakabigo sa ating gawain sa kaibigan at kamag-anak,
iya’y ilan lamang sa madaming krus na ibinibigay at ipinapadala ni
Kristo sa mga anak ni Eba. Iyan ang ating puso gaya ng pagsalubong ni
Maria sa kanyang anak. Tayo’y dapat ding tumanggap ng buong krus at
magpatuloy sa kalbaryo na gaya ng ginagawa ni Santa Maria. Lalo
nating napapatunayan ang ating pag-ibig sa pamamagitan ng
pagpapakasakit at paghihirap.
PAGNINILAY-NILAY
Tinatanggap mo ba ang lahat ng mga krus at pagkabigo na tanda
ng pagpapatunay ng pag-ibig kay Kristo? Sinisikap mo bang himukin
ang iba na tanggapin ang kanilag kabiguan na tulad ng isang tunay na
Kristiyano upang sila’y maging kasiya-siya sa Diyos at sa gayo’y
maging karapat-dapat sa gantimpala ng langit?
Ginagawa mo ba ang lahat mong makakaya upang makita ang
kamay ng Diyos sa iyong kawalan ng pag-asa, sa pagtitiwalang ang
iyong kabiguan ngayo’y mapapalitan ng biyaya sa kinabukasan gaya
ng nangyari sa iba?
Mahal na Ina ng Hapis | 13