Page 19 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 19
IKAPITONG ARAW
Tinanggap ni Santa Maria sa Kanyang Bisig
ang Katawang Walang-Buhay ng Kanyang Anak
PAMBUNGAD NA PANALANGIN (p. 1)
PANIMULA
(Magsiupo ang lahat.)
Sa Herusalem isinilang si Kristo, sa Kalbaryo ay bumalik siya sa
bisig ng kanyang Ina. Sa Herusalem isinilang siyang isang mahina,
walang lakas at isang sanggol. Ngayo’y nagbabalik siya muli sa Krus,
ngunit patay! Ang buhay ng Mananakop ay naging maligaya sa piling
ng Banal na Pamilya. Ang Herusalem para sa Birhen ay naging
mapayapa sa likod ng maraming hirap. Ngunit ang Kalbaryo ang
siyang naging sukdulan ng lumbay at hapis ng Mahal na Ina.
Kahit ano pang Ina ay maaaring makaranas ng malungkot na
kasyasayan, habang piuagmamasadan ang anyo ng anak na walang
hininga. Karaniwang nanunumbalik sa kanilang gunita ang bunga ng
kanilang pag-ibig. Nang tanggapin ni Santa Maria sa kanyang mga
bisig ang walang-hiningangt katawan ng banal niyang Anak, ito ay
kaniyang niyakap at nagalak siya sa apgbabalik noon sa kanya,
bagama’t isang bangkay na, at pinahirapan ng tao hanggang mamatay.
May kahulugan ang sakit na ito ni Santa Maria. Saksihan natin ang
huling pagtanggap ng Birhen sa katawang nanggaling sa sarili niyang
dugo at laman, na sumuso sa kanyang dibdib. At ngayon ang pagsakop
ay naganap na, si Kristo ay inihatid sa Kalbaryong parang isang
kriminal, siya’y hinila at ipinako sa Krus. Si Santa Maria, sa likod ng
lahat ng paghihirap, ay nakatapos na ng kanyang pagpapakasakit,
natupad na niya ang tungkuling ipinaganap sa kanya ng Santisima
Trinidad.
Samantalang tinatahak natin ang landas ng buhay, ay maraming
pagkakataong katulad noon ang sumasapit sa atin. Malimit tayong
magkaroon ng pagkakataaon matanggap din ni Santa Maria katulad ni
Hesus sa kanyang bisig. Marami tayong pagkakataon upang
Mahal na Ina ng Hapis | 17