Page 18 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 18

Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed

                                PAGNINILAY-NILAY

          Kung  nakikita  mo  ang  larawan  ng  Birhen  sa  paanan  ng  Krus,
     tinangka  mo  bang  tularan  ang  kanyang  kagandahang-loob  at
     tanggapin  nang  buong  puso  ang  Krus  na  pahatid  sa  iyo  ng  Diyos,
     katulad ng Ina ng Sakit?

          Kung  sapitan  ka  ng  kasawiang-palad  na  dumarating  sa  lahat,
     nakatatagpo  ka  ba  ng  kapayapaan  ng  paglukob  sa  mga  banal  na
     gunitain, sa pagdalaw sa Santisimo Sakramento, sa paglati sa Taga-
     aliw ng kaluluwa, si Kristo sa Santisimo Sakramento?

                                    PANALANGIN

          Ina  ng  lungkot,  dahil  sa  paghihirap  at  lumbay  na  iyong  tiniis  sa
     paanan  ng  krus  mo  kami  ng  iyong  lakas  na  manatili  sa  pag-asa.
     Loobin mo namang kami ay maging laging tapat sa taga-langit mong
     Anak upang maging kami man ay masabing sumusunod kay Hesus,
     hanggang sa itaas ng aming Kalbarayo, ipamagitan mo kami sa aming
     Panginoon upang matamo namin ang aming hinihiling sa pagsisiyam
     na ito (magnilay-nilay sandali)… kung yao’y sa lalong karangalan at
     kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti ng aming kaluluwa.

     LITANIYA SA MAHAL NA INA NG HAPIS (p. 3)
     Aba Ginoong Maria (3x)
     Papuri. . .














     16 | Mahal na Ina ng Hapis
   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23