Page 13 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 13
ang bata. Matinding paghihinagpis ang bumalot sa bawat kabiguang
natamo sa paghahanap, isang paghihinagpis na sukdulan ng pait.
Nilibot niya ang lahat ng lansangan sa Herusalem, at ang nakita ng
inang naghahanap sa anak, ay matitiyak na ang kalumbayang bakas sa
mukha ng isang inang katulad ni Santa Maria.
Maaring itanong ngayon sa atin kung ano ang ating
mararamdaman kung sakaling alisin si Kristo sa Tabernakulo at ang
ating mga simbahan ay ipinid at wasakin. Kung sakaling walang
Santisimo Sakramento, walang ilaw na nagniningas sa ating mga
pook dalanginan, tayo kaya’y malulungkot? Sakaling hanapin natin si
Kristo sa malayong pook, tayo kaya’y magiging sabik katulad ng
Birhen? Kung nakawin ang ating lalong mahalagang kayamanan, kung
nawala ang ating walang pagmamaliw na Kaibigan sa Tabernakulo,
tayo kaya’y maghinagpis katulad ni Maria?
Kailangan natin si Kristo sa ating buhay, kailangan natin siya sa
ating puso at kailangan natin siya sa Kanyang tahanang Tabernakulo,
sa ating dambana. Tunay na dapat nating ikalungkot na katulad ng
nadama ni Santa Maria, magdanas ng paghihirap sa kanyang
pagkawala. Dapat tayong magsikap na makita si Kristo katulad ng
pananabik ni Santa Maria na siya’y matagpuan. Kung tayo’y mahulog
sa pagkakasalang dakila, ay lalo nating maramdaman ang kawalan ng
halaga ng buhay, ang masidhing pangangailangan kay Kristo ng ating
kaluluwa.
PAGNINILAY-NILAY
Ikinasisisya mo ba ang pagdalaw mong malimit kay Kristo sa
Tabernakulo? Kung wala ka roon, nadama mo ba ang katunuan ng
iyong buhay?
Kung ika’y mahulog sa kasalanang dakila, nagsisisi ka ba agad
upang maibalik si Kristo sa iyong buhay? Nangungumpisal ka ba
kaagad?
Mahal na Ina ng Hapis | 11