Page 14 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 14

Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed

                                    PANALANGIN

         Ina ng hapis, dahil sa lumbay na iyong tiniis ay loobin mong kami’y
     kasiyahang  lubos  sa  katangiang  sumasaamin  dahil  sa  laging
     pagkalapit namin kay Kristo sa Santisimo Sakramento. Loobin mong
     ‘wag naming malimutan na kami’y mga piniling anak ng Diyos at nawa’y
     magawa  namin  nang  buong  kaya  na  si  Hesus  ay  makilala  at  ibigin
     naman ng iba. Bayaan mo kaming makihati sa lumbay ng iyong dinanas
     sa pagkawala ng iyong Anak upang ito’y magamit namin sa ikabubuti
     ng aming kaluluwa. Ina ng Sakit, ipamagitan mo kami sa Diyos upang
     matamo namin ang aming kahilingan sa pagsisiyam na ito… (tahimik na
     banggitin  ang  kahilingan)…kung  yao’y  sa  lalong  karangalan  at
     kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti ng aming kaluluwa.

     LITANIYA SA MAHAL NA INA NG HAPIS (p. 3)
     Aba Ginoong Maria (3x)
     Papuri. . .


                                 IKALIMANG ARAW
          Nasalubong ni Maria si Kristo sa Daan Patungong

                                     Kalbaryo


                       PAMBUNGAD NA PANALANGIN (p. 1)


                                     PANIMULA
                               (Magsiupo ang lahat.)

          Anong sibat ng kalungkutan ang tumimo sa puso ni Santa Maria
     samantalang minamasdan niya ang anak na dala ang mabigat na krus
     sa daan patungong Kalbaryo na pagkikitlan ng kanyang buhay. Anong
     sakit  ang  dinanas  ng  Birheng  Dolorosa  nang  makita  ang  dating
     magandang  anak  na  naliligo  sa  dugo,  ang  banal  niyang  ulong  may
     putong  na  korononag  tink,  mukhang  larawan  ng  hirap,  nanghihina,
     halos ‘di na makaya ang mabigat na pasanin. Tiningnan ni Santa Maria
     ang  kanyang  anak,  ang  mga  mata  nila’y  nagtama  at  naunawaan  ni
     Hesus! Bagamat ang tabak ay muling tumimo sa kanyang kaluluwa,

     12 | Mahal na Ina ng Hapis
   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19