Page 11 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 11

tanuran  ang  Sanggol  na  ipinadala  para  sa  ating  kaligtasan.  At
     samantalang may mga panganib sa landas na patungo sa ibang bayan,
     samantalang  sila’y  may  pangambang  madakip  ng  mga  katiwala  ni
     Herodes, ay dinala ni Santa Maria ang bagong Sakit na ito nang buong
     kagitingan at kasiyahang-loob alang-alang kay Kristo.

            Marahil para sa ati’y hindi na darating ang araw na buong puso
     nating  ihahandog  ang  ating  buhay  sa  Katolisismo.  Marahil  ay  wala
     nang  pagkakataon  upang  mapatunayan  natin  ang  ating  pag-ibig  sa
     Diyos  at  sa  pagtanggap  sa  putong  ng  isang  martir.  Marahil  tayo  ay
     malayo  na  sa  pagsubok  na  dinanas  ng  laksa-laksang  Katoliko,  sa
     ibang lupa, sa nagdaaang panahon at maging sa ating kapanahunan
     gaya sa Mehiko, Rusya, at Tsina. Ngunit kung tayo ma’y ligtas sa lalong
     mahihirap na sakit na pagkamartir ay marami namang pagkakataon
     na tayo ay nagpapakasakit sa ating sarili.
            Ngayon,  ang  tunay  na  pagka-martir  ay  ang  nagdadala  ng
     kanyang  Krus  sa  araw-araw  dahil  kay  Kristo.  Lalong  dakila  kaysa
     sunuging buhay o unti-unting patayin sa pmamagitan ng mga pahirap
     ay ang ating pagkamartir araw-araw. Ito’y isang pagkakataong bukas
     sa  lahat,  isang  pagkakataong  tinaggap  ng  lahat  na  may  hangad  na
     bumuti. Ang banal ay maligayang nakakaawit ng “pagpapakasakit at
     kamatayan sa Panginoon.” Ito ay siyang lihim ng tunay na kaligayahan
     at  tanging  tanda  ng  pagkabuhay  para  kay  Kristo  lamang  o
     magpakabuti para sa Diyos.

                                PAGNINILAY-NILAY

          Paminsan-minsan ba ay naaatasan kang gumawa ng mga bagay
     na ipinagbabawal sa Simbahang Katolika? Marahil sa harap ng ibang
     kaibigan ikaw ay naaanyayahang dumalo sa ibang pulong o kulto na
     ipinagbabawal sa mga Katoliko?
          Dinidinig mo bang una ang tugon ng iyong budhi o sinusunod ang
     kanilang sinasabi?







                                                    Mahal na Ina ng Hapis | 9
   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16