Page 12 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 12
Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed
PANALANGIN
Ina ng hapis, alang-alang sa pagtakas mo patungong Ehipto ay
ipagtamo mo kami ng biyaya upang kami’y maging tapat sa tinig ng
aming budhi sa aming pagtahak sa landas ng buhay. Malaking hirap ay
iyong dinanas sa loob ng maraming oras, sapagkat ang kaligtasan ay
nasa Ehipto, subalit ang gantimpala ng langit ay malayo pa.
Ipamagitan mo kami sa Diyos upang matamo namin ang aming
hinihingi sa pagisisyam na ito…(magnilay-nilay sandali)…kung yao’y sa
lalong karangalan at kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti ng sarili
naming kaluluwa.
LITANIYA SA MAHAL NA INA NG HAPIS (p. 3)
Aba Ginoong Maria (3x)
Papuri. . .
IKAAPAT NA ARAW
Ang Pagkawala ng Batang si Hesus sa Herusalem
PAMBUNGAD NA PANALANGIN (p. 1)
PANIMULA
(Magsiupo ang lahat)
Dapat nating malaman ang dakilang pag-ibig na naghahari kay
Santa Maria at kay Hesus upang mabatid natin ang kalunos-lunos na
paghihirap na idinudulot ng pagkawala ni Kristo. Isang batang may
labindalawang taon pa lamang, ay inalagaan at tinuruan ng maraming
kahirapan sa kanyang kamusmusan. Sa una niyang pagdalaw sa
bayan ng Herusalem ay nawala siya kaagad sa halip na bumalik sa
piling ng kanyang mga kasamahang kaibigan at kamag-anak, si Santa
Maria at San Jose ay hindi siya matagpuan.
Hinanap siyang walang pagal ni Santa Maria at San Jose sa lahat
ng pook na maari niyang puntahan ngunit walang kinahinatnan, sa
bawat pagtanungan ay walang isinasagot sa kanya, kundi wala roon
10 | Mahal na Ina ng Hapis