Page 17 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 17

At  lalong  ipinagdurugo  ng  Birhen  ay  ang  pagsasawalang-
     kabuluhan  sa  Kalbaryo  ng  maraming  kaluluwa,  ang  maraming
     pagpapawalang-halaga  sa  gayong  kamahal  na  pagtubos;  ang
     marming  hindi  pagpasin  sa  pagkamatay  ni  Kristo  at  ang  maraming
     kawalang-ingat  at  kawalang-utang  na  loob  sa  bunga  ng
     pagpapakasakit  na  iyon.    Si  Santa  Maria  ay  may  krus  ding
     isinasabalikat samanatalang naroroon sa paa ng pulpito ng kalbaryo,
     isang pultpitong nagbabanya ng pag-ibig ng Diyos na nagkatawang-
     tao, at ang nagmamahal ng Ina ng sakit.
          Ang sarilii nating buhay ay hindi mawawalay sa pagkamatay sa
     krus.  Sa ibig o sa ayaw natin ay kailangan tahakin natin ang Kalbaryo
     upang  tumanggap  man  lamang  ng  Krus.    “Sa  tulo  ng  iyong  pawis
     manggagaling  ang  iyong  pagkain”  ang  siyang  hatol  sa  ating  mga
     magulang  samantalang  nililisan  nila  ang  paraiso;  at  ang  lahat  ng
     ipinanganganak ng tao ay taglay sa kaniyang noo ang tandang iyon,
     tumatanggap ng pamanang ito na may pasanin itong isabalikat.  Mula
     sa ating duyan hanggang sa libingan, ang Krus ang siyang lagi nating
     kasama.  Dito’y maaari tayong maging banal, maaaring ilapit tayo nito
     sa  Diyos  kung  atin  lamang  mauunawaan;  gayon  din,  ito’y  maaaring
     mag-ingat  sa  atin  sa  piling  ng  Diyos,  laban  sa  maaaring  maging
     kaligaligan,  laban  sa  kasalanang  maaaring  maging  sanhi  ng  ating
     pagkalayo sa Diyos.,  Ang Krus dapat maglapit sa atin sa batis ng buhay
     kabanalan.
          Ang  nararapat  gawin  ay  tanggapin  ang  lahat  ng  pagsubok,
     tanggapin ang krus gaya ni Santa Maria, ang Ina ng Sakit.

          Ang tunay na Kristiyano ay tumatanggap ng mga pasanin ng buhay
     at ang lahat ng kaniyang buhay at paghihirap ay ginagawang salaping
     pambili ng kaluwalhatiang walang hanggan.  Ang mga krus sa ating
     paglalakbay  ay  maaaring  maging  hakbang  patungong  langit  na
     nagtatanda  ng  ating  paulit-ulit  at  panibagong  mga  pangakong
     pagpapakatapat sa ating Diyos.







                                                  Mahal na Ina ng Hapis | 15
   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22