Page 22 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 22

Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed

                                PAGNINILAY-NILAY

          Kung nagugunita mo ang tanawin ng sa libingan, hiningi mo ba sa
     Ina ng Sakit na ikaw ay tulungan sa mga sandali ng pagsubok, sa iyong
     pakikibaka sa masasakit na damdamin upang sa gayong ikaw man ay
     magtagumpay sa maruming hangarin at mahilig na lalo mahilig na lalo
     sa mga damdaming marangal?

          Malimit  mo  bang  gunitain  ang  mga  Sakit  ng  Ina  ng  Hapis  at
     piansasalamatan ang Birhen sa mga aral na kanyang ipinangako sa
     iyo?  Pinasasalamatan mo rin ba siya bunga ng iyong pagninilay-nilay
     sa malungkot na hiwaga?

                                    PANALANGIN

          Ina ng dalamhati, dahil sa lungkot na iyong dinanas nang sa wakas
     si Kristo ay kuni sa iyo at dalhin sa libingan, ipaubaya mong mabatid
     namin kung ano ang halaga ng lungkot na iyon sa iyo!  Loobing mong
     maunawaan namin ang iyong hapis at pagdadalamhati at pamalagiin
     mo sa aming  gunita ang pangangailangan  ng pagninilay-nilay hindi
     lamang ng iyong kaluwalhatian kundi gayon din ng iyong mga hapis.
     Ipamagitan mo kami sa Haring Diyos upang matamo namin ang ang
     aming hinihiling sa pagsisiyam na ito (magnilay-nilay sandali)… kung
     yao’y sa lalong karangalan at kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti
     ng aming kaluluwa.

     LITANIYA SA MAHAL NA INA NG HAPIS (p. 3)
     Aba Ginoong Maria (3x)
     Papuri. . .














     20 | Mahal na Ina ng Hapis
   17   18   19   20   21   22   23   24   25   26   27