Page 24 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 24

Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed

     Bawat isang kaluluwa ay haharap sa sandaling yaon upang alisin ang
     lahat niyang pagkukunwari, at upang managot sa kanyang buhay, sa
     kanyang mga gawa, salita at gunita.  At ang kasunod noo’y ang lalong
     mahalagang  sandaling  kababatayan  ng  ating  walang-hanggang
     gantimpala o parusang walang katapusan.

          Kung tayo’y nasa pinto ng buhay na walang hanggan, o nasa bingit
     ng kamatayan, kung handa tayo sa paglalakbay na walang pagbabalik,
     ay dapat yayong humingi ng tulong sa Mahal na Ina ng Hapis.  Upang
     siya nating maging taga-akay, taga-ampon, taga-aliw at taga-tulong.

                                PAGNINILAY-NILAY

          Ang mga gunitaing ito’y naglalapit baga sa iyo sa Diyos at gayundin
     sa Banal na Ina?  Ang gunitain ang kamatayan ay nagpapaalab baga ng
     iyong paghahanda sa lalong mahalagang sandali ng iyong buhay?
          Tinangka  mo  bang  isabog  sa  iba  ang  panatang  ito  sa  Ina  ng
     Dalamhati, ang panatang gawing pintakasi sa oras ng kamatayan, ang
     Birheng Dolorosa?

                                    PANALANGIN

          Ina ng hapis, dahil sa masakit na pagkamartir na iyong dinanas sa
     paanan ng Diyos sa loob ng tatlong oras na paghihirap ni Hesus, ay
     marapatin mong tulungan kaming mga anak ng iyong kalumbayan, sa
     aming  huling  paghihirap  upang  sa  pamamagitan  ng  iyong  mga
     panalangin ay lumayo kami sa hihigan ng kamatayan at pumasok sa
     katamisan  ng  langit.    Ipamagitan  mo  kami  sa  Haring  Diyos  upang
     matamo  namin  ang  ang  aming  hinihiling  sa  pagsisiyam  na  ito
     (magnilay-nilay  sandali)…  kung  yao’y  sa  lalong  karangalan  at
     kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti ng aming kaluluwa.
     LITANIYA SA MAHAL NA INA NG HAPIS (p. 3)
     Aba Ginoong Maria (3x)
     Papuri. . .









     22 | Mahal na Ina ng Hapis
   19   20   21   22   23   24   25   26   27   28   29