Page 25 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 25
SA PILING NG KRUS
I. Sa piling ng krus ng Anak
Ang Ina ay umiiyak
Sa laki ng habag
Dibdib ay halos mawarat
Dahil sa sakit at hirap
Di makapangusap.
II. At aling pusong matigas
Ng ina ang di maagnas
Sa anyo ng Anak
Puso’y sisikdo-sikdo
Ng inang nanlulumo
Sa Anak niyang bunso
III. At sino kayang tao
Na ang luha’y di tutulo
Kung makita ang anyo
At nakitang lahat ng Ina
Paghampas at pag-alimura
Sa sintang Anak niya.
IV. Ang anak ay pinahirapan
Sa pagtubos ng kanyang bayan
Ngunit walang dumamay.
O Inang masintahin
Puso ko’y iyong pukawin
Sakit mo ay damdamin.
V. Kaluluwa ko’y iyong gawing
Mag-alab at pagningasin
Si Hesus ay ibigin
Mahal na Ina ng Hapis | 23