Page 21 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 21
IKAWALONG ARAW
Nasaksihan ni Santa Maria ang Paglilibing
sa Kanyang Anak
PAMBUNGAD NA PANALANGIN (p. 1)
PANIMULA
(Magsiupo ang lahat.)
Sandali lamang na tinaglay ni Santa Maria sa kanyang mga bisig
ang walang hininga at sugatang katawan ng banal niyang Anak. Inibig
niya ang kanyang Anak hanggang sa kamatayan gaya rin ng kanyang
pagmamahal ng Siya’y nabubuhay. Isa na namang paglalayo nila nang
ang mga tao ay umalis na patungo sa libingan na pagbabaunan kay
Kristo, ang pag-iiwanan kay Kristo sa piling ng mga patay.
Pagkakagaling sa libingan, ang munting pangkat ay nagtuloy sa
tahananan ni San Juan. Ang pagkalungkot ni Santa Maria ay walang
kapantay, sapagkat ang kanyang pagmamahal kay Kristo ay walang
kahalintulad. Dahil dito, ang kanyang lungkot ay napakahapdi na hindi
maitutulad sa kalumbayan ng sinumang ina sa pagkamatay ng
kanyang anak.
May mga sandali sa ating buhay na nararamdaman nating si
Kristyo ay malayung-malayo sa atin, hindi maabot, hindi mahipo.
Nararamdaman nating siya ay malayo sa ating pangangailangan, sa
ating mga panalangin, gayong sa tahanan siya’y lalong malapit sa atin
sa mga sandaling iyon.
Paminsan-minsa’y naiisip natin na walang hiningang katawan sa
libingan ay hindi nagbabadya sa atin ng anuman, subalit ito’y isang
balon ng walang-hanggang aral. Sa piling ni Krisyo ay maaari nating
ibaon ang ating mga panibugho, mga kaaway at mga mapaghimasik na
mga damdamin. Sa piling ni Kristo ay dapat nating ilibing sa limot ang
lahat ng ating maruruming hangarin, ang ating lisyang damdamin, ang
ating paglalaro sa mga tukso.
Mahal na Ina ng Hapis | 19