Page 8 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 8
Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed
Santa Mariang may pusong wasak, ngayon at magpakailanman.
Sa pamamagitan din ni Hesukristong Panginoon namin. Amen.
(Alang-alang sa iyong mga kahilingan sa pagsisiyam na ito…)
N: Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya, ang Panginoong
Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at
pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
L: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan
ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen
(Ulitin ng makatatlong beses)
N: Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo
L: Kapara noong unang-una, ngayon, magpakailanman at
magpasawalang-hanggan. Amen
IKALAWANG ARAW
Ang Unang Sakit: Ang Hula ni Simeon
PAMBUNGAD NA PANALANGIN (p. 1)
PANIMULA
(Magsiupo ang lahat.)
Dito’y pag-uukulan natin ang unang sakit ng Banal na Ina, ang hula
ng Banal na si Simeon. Si Kristo ay dinala sa templo upang ialay sa
Diyos. Si Santa Maria, ang kanyang Ina, ay nakadinig ng mga katagang
nabulalas sa labi ni San Simeon: “Ang iyong kaluluwa ay lalagusan ng
isang balaraw.” Ang gantimpala kay Santa Maria sa pagiging Ina ng
Diyos, ay lubos na kalungkutan at sibat ng kalumbayan. Ngayo’y
dadamdamin niya ang balaraw ng hapis na susugat sa kanyang puso.
Wala tayong dapat gawin kundi ang isipin ang pag-ibig ng Ina sa
Anak upang madama natin ang kalungkutang nadama ni Santa Maria
dahil kay Hesus. Nababatid nating wala pang anak na may lalong
dakilang pagmamahal sa ina na gaya ni Hesus sa Mahal na Birhen.
6 | Mahal na Ina ng Hapis