Page 4 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 4
Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed
ng Diyos na para bang ang bahaging ito ng buhay ng Birhen ay
nakatanim na sa ating sariling buhay.
Si Santa Maria’y nagdusa sa kanyang pitong sakit. Nagdanas siya
ng maraming paghihirap bilang kapalit ng karangalang kanyang
tinamo sa pagiging Ina ng Diyos. At ang pangyayaring ito’y waring
isang bagay na lalong mahalaga sa kapuluang ito ng
pananampalataya.
Kaya’t maitatanong natin sa ating sarili kung gaano kalaki ang
ating pagmamahal sa may lungkot na Ina ng Anak ng Diyos.
Tinatanong natin ang ating sarili kung ano ang ating ginagawa upang
madala sa lalong pagkatanyag ang panatang ito sa Dolorosa. At iniisip
din natin kung ano ang ating sariling damdamin tungkol sa Birheng
Dolorosa na naging Ina nating lahat, na siyang laging Ina sa lahat ng
mga anak niya sa pananamapalatayang naging sanhi ng kamatayan ni
Kristo.
PAGNINILAY-NILAY
Ipinaalam mo ba sa iyong mga kaibigan na ang kapuluang ito’y
naaalay kay Maria?
Dumadalangin ka ba sa Mahal na Ina ng Hapis upang ikaw ay
tulungan sa iyong mga pangangailangan, sa mga sandal ng iyong
pagsubok at tukso, sa mga panganib na ang sandaling tagumpay,
gayunpaman, ay karaniwang ipinagmamayabang ng mga tao at
ikinalilimot nila sa kanilang tungkulin sa pagka-Katoliko?
PANALANGIN
Ina ng dalamhati, tunghayan mo ng matang maawain ang
kapuluang itong tanging naaalay sa iyo. Ipagtamo mo kami ng
biyayang ipagiging-tapat namin sa pananampalatayang Katoliko na
siyang lalong mahalaga naming mana. Kalingain mo ang aming
tagapamahala at ang mga pinunong gumagawa sa ikabubuti ng aming
bayan. Bigyan mo sila ng biyayang kailangan upang maisagawa ang
kanilang tungkulin sang-ayon sa alituntunin ng simbahan ni Kristo.
Biyayaan mo ang Iglesya sa kapuluang ito ng pananampalataya,
2 | Mahal na Ina ng Hapis