Page 5 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 5
masaganang ani ng kaluluwa at magbunga ng mga kabataang
karapat-dapat na maging alagad mo at ng mga unang pastol. Ilayo mo
sa kapahamakan ang aming katawan at lalo na ang kaluluwa upang
kami’y magpatuloy sa pagtatamasa ng walang kapantay na
pagkupkop ng pananamapalatayang Katoliko sa kapuluang ito, na
nawa’y maging mapayapa, mapalad at karapat-dapat na mapailalim
sa iyong pag-iingat.
LITANIYA SA MAHAL NA INA NG HAPIS
Panginoon, maawa ka sa amin,
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin,
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin,
Panginoon, maawa ka sa amin.
Diyos Ama sa Langit,
*Maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan,*
Diyos Espiritu Santo,*
Ina ng Sakit, na walang makitang silid na panuluyan,
**Ipanalangin mo kami.
Ina ng Sakit, na isinilang mo ang iyong anak sa isang sabsaban,**
Ina ng Sakit, na duminig na ang iyong Anak ay nilalang upang maging
tanda na dapat salungatin,**
Ina ng Sakit, na duminig na ang iyong kaluluwa ay lalagusan ng isang
balaraw,**
Ina ng Sakit, na tumakas sa Ehipto na kasama ang iyong Anak,**
Ina ng Sakit, na nagdadalamhati sa pagpatay ng mga walang malay,**
Ina ng Sakit, na sa loob ng tatlong araw, ay malungkot mong hinanap
ang iyong anak na nawala sa Templo nang siya’y labindalawang
taong gulang pa lamang,**
Ina ng Sakit, na nakapuna ng ng labis na pagkamuhi ng mga Hudyo sa
kanya,**
Ina ng Sakit, na nakabalitang ang Banal niyang mukha’y tinampal,**
Mahal na Ina ng Hapis | 3