Page 9 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 9
Tayo dito sa Pilipinas ay malimit na makasaksi ng pag-aalay ng
Kapuluang ito sa Banal na Ina. Malimit nating magunitang si Santa
Maria ay nagtatanod sa bansang Katolikong ito, at ito’y kanyang
kinakalinga at sinasabugan ng kanyang maka-inang pagmamahal sa
lahat ng dako. Hindi kaya dapat nating itanong kung ang kapuluang
Katolikong ito’y sumusugat sa puso ni Santa Maria sa pamamagitan ng
balaraw ng pag-aalinlangan? Samantalang nababatid natin ang ‘di
mabilang na kaluluwang Katoliko ay ‘di tunay sa diwa ng kahulugan ng
salitang yaon, may mga mararangal na halimbawa ng kabanalan at
pagpapakasakit at ito ay ang mahal na Ina. Hindi ba totoong may mga
gawaing halatang nagpapakilalang siya’y Katoliko lamang sa salita?
Hindi ba maaring kabataang naliligaw sa landas ng katuwiran, na hindi
malimit tumatanggap ng mga Sakramento, at dahil dito ay kanilang
sinusugatan ang pusong mapagmahal ng Ina ng Diyos?
Nang hulaan ni San Simeon na ang puso ni Santa Mria ay
sasaksakin ng isang balaraw at magdaranas ng maraming hirap, si
Maria ay maligayang naghirap sapagkat ang panganganak niya kay
Kristo ay siyang simula ng kaligtasan at katubusan ng daigdig. Tao na
rin ang pumapatay kay Kristo at si Santa Maria ay palaging laang
magdala ng kanyang Krus sapagkat batid niyang Siya ang magliligtas
sa tao sa pamamagitan ng pagbubuo ng kanyang Dugo.
PAGNINILAY-NILAY
Ipinagdarasal mo ba ang mga taong dahil sa buhay nila’y
sumusugat ng isang balaraw sa puso ng Mahal na Birhen?
Sinikap mo bang hikayating magbagong-bhay ang mga
namumuhay sa pagkakasala, lalo na ang mga Katolikong
nagsasamang ‘di kasal sa Simbahan?
Sinikap mo na bang ipaalam sa kanila na hangga’t ang kanilang
pagsasama ay hindi nababasbasan ng Diyos, sila’y namumuhay sa
kasalanang mortal at sa panganib ng impyerno?
Ginagawa mo na ba ang lahat mong makakaya upang
pangalagaan ang iyong sarili sa pagkakahulog sa lusak ng
pagkakasala sa pamamagitan ng pag-iingat sa sarili upang huwag
Mahal na Ina ng Hapis | 7