Page 10 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 10
Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed
mapabayaang makapasok sa iyong puso ang ano mang anyo ng
pagkakasala?
PANALANGIN
Ina ng lungkot, sa pamamagitan ng hirap na iyong tinitiis sa unang
sakit na ito, ay marapatin mo kami’y huwag malayo sa landas ng
kabanalan, panatilihin mo kami sa iyong pagmamahal at
pangangalaga, at kami nawa’y manatiling tapat sa iyong mga biyaya.
Gawin mo kaming maging karapat-dapat na Katoliko, hindi lamang sa
pangalan kundi gayon din sa mga gawa, at loobin mong ikaw ang
aming maging patnubay at kasama sa tuwina. Ipamagitan mo kami sa
Diyos sa aming hinihiling sa pagsisiyam na ito…(banggitin ng tahimik
ang kahilingan)… kung yao’y sa lalong kadakilaan at kaluwalhatian ng
Diyos at sa kabutihan ng sarili naming kaluluwa.
LITANIYA SA MAHAL NA INA NG HAPIS (p. 3)
Aba Ginoong Maria (3x)
Papuri. . .
IKATLONG ARAW
Ang Unang Sakit: Ang Hula ni Simeon
PAMBUNGAD NA PANALANGIN (p. 1)
PANIMULA
(Magsiupo ang lahat)
Anong laking paghihirap ang dinanas ni San Jose nang kanyang
malamang kailangang pagsabihan si Santa Maria na sila’y dapat
tumakas sa Ehipto, upang maligtas sa nagpupuyos na galit ng hari ng
mga Hudyong si Herodes. Walang ibang paraan kundi ipunin ang
kaunti nilang pag-aari at tunguhin ang kaligtasan ng Banal na Sanggol
na ipinadala sa kanya ng langit.
Nilisan kaagad ni Maria ang kanilang sariling bayan. Una niyang
iniligtas ang buhay ng Sanggol na nasa panganib. Nilimot niya ang
sariling kapakanan upang tuparin ang kanyang tungkulin sa Diyos na
8 | Mahal na Ina ng Hapis