Page 3 - pagsisiyam-ina-ng-hapis
P. 3

Pagsisiyam sa Karangalan
                          ng Mahal na Ina ng Hapis





     Gawin ang altanda ng Krus.

              PAMBUNGAD NA PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW

     A
              lalahanin mo, O Birheng Maria, ang lalong kahapis-hapis sa
              lahat ng anak ni Eba, na sa lahat ng panahon, ay hindi nadinig
              na may isang lumuhog sa iyong tulong at nabigong magtamo
     ng  iyong  awa  at  kalinga.  Nagaganyak  ng  pagtitiwalang  dulot  nito,
     kaming  makasalana’y  lumuluha  at  nagmamakaawa  sa  iyong
     pagtulong. O Ina ni Hesus na namatay sa Krus, huwag mong hamakin
     ang tinig naming namamanhik, kundi dinggin mo at ipagkaloob mo ang
     aming isinasamo. Amen.

                                   UNANG ARAW
              Ang Mahal na Ina ng Hapis at ang Pilipinas

                                     PANIMULA
                               (Magsiupo ang lahat.)

          Ang Dolores ay pumasok sa puso ng bayang Katolikong ito. Ang
     “Dolorosa”  ay  bumihag  sa  pagmamahal  ng  ‘di  mabilang  na  lalaki  at
     babae sa lupang ito.

          Ang “Dolorosa” ay nakatagpo ng santuaryo sa buhay ng tapat na
     mga lalaki’t  babaeng  Katoliko, saan  mang  pook na ang pangalan ni
     Maria ay pinararangalan.

          Ang Pilipinas ay nagbubunyi sa Ina ng Diyos. Waring naipon na ang
     pagmamahal  ng  Pilipinas  sa  mga  Sakit  ng  Birhen.  At  kung
     magmamasid tayo sa ating paligid ay namamalas natin ito. Madadama
     natin ang paggalang at ang wagas na pag-ibig sa mga lungkot ng Ina




                                                    Mahal na Ina ng Hapis | 1
   1   2   3   4   5   6   7   8