Banal na Misa sa Karangalan ni San Jose Marello

Pambungad na Panalangin
Amang makapangyarihan, binigyan mo ng inspirasyon si San Jose Marello upang magkaroon ng pagnanais na ipahayag sa kanyang buhay at paglilingkod ang Kristiyanong misteryo katulad ng isinabuhay ni San Jose, tagapangalaga ng Manunubos. Nawa sa kanyang pamimintuho matularan namin ang kanyang malalim na pakikipag-ugnayan sa Iyo at ang kanyang puspusang paglilingkod sa Simbahan. Hinihiling naman ito sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Unang Pagbasa: Ikalawang Sulat ni Pablo kay Timeoteo
(2 Tim 1:13-14; 2:1-3)

Pinakamamahal, gawin mong batayan ang mga aral na itinuro ko sa iyo yamang ang mga ito’y pawang katotohanan. Manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinaggap natin sa pakikipag-isa kay Kristo Hesus. Sa tulong ng Espiritu Santong nananahan sa atin, ingatan mo lahat ng ipinagkatiwala sa iyo. Ngunit Timoteo, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ni Kristo Hesus. Ang mga narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi ay ituro mo sa mga taong magpakakatiwalang magturo naman sa iba. Magpakasakit ka, tulad ng isang mabuting kawal ni Kristo Hesus.

Salmong Tugunan: Handa akong narito upang sundin ang loob mo.
(Ps 40:2+4ab,7-8a,8b-9,10)

Ako ay naghihintay sa ‘king Panginoon / At dininig niya ang aking pagtaghoy / Tinuruan niya ako pagkatapos / Ng bagong awiting pampuri sa Diyos.

Ang mga panghandog, pati mga hain, / At ang mga hayop na handang sunugin /, Hindi mo na ibig sa dambana dalhin / Upang yaong sala‘y iyong patawarin / Sa halip, ang iyong kaloob sa akin / Ay ang pandinig ko upang ik‘’y dinggin.

Kaya ang tugon ko, "Ako‘y naririto; / Nasa Kautusan ang mga turo mo. / Ang nais kong sundi‘y iyong kalooban; / Aking itatago sa puso ang aral.

Ang pagliligtas mo‘y aking inihayag / Saanman magtipon ang ‘yong mga anak; / Di ako titigil ng pagpapahayag.

Mabuting Balita: Juan 15:9-17
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad. "Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, manatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y mananatili sa kanyang pag-ibig. Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos: mag-ibigan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo’y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat hindi sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili angiyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang iniuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo."

Panalangin ukol sa mga Alay
Ama naming Lumikha, Tanggapin mo ang mga alay na ito Na inihahahin naming gumugunita kay San Jose Marello Upang ang mga ito ay magdulot sa amin ng pakikinabang Sa iyong tulong na maaasahan Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Panalangin Pagkapakinabang
Ama naming mapagmahal, kaming sa Katawa’t Dugo ni Kristo nagsipakinabang ay dumadalanging magkamit ng tiyak na kaligtasan na aming ginaganap nang buong katapatan sa pamamagitan ni Hesuskristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Click here for the Mass in English. . .


   Sunday, 19 May 2024

Some Fathers of the Church have said that the distance between Mary and us is infinite. But we can always shorten that distance by being genuinely devoted to her.









May Fiestas:
Elvinda, San Juan, Biñan

Groundbreaking for the new religious house in Indonesia

OSJMS gears up for Senior High

Enroll at St. Joseph College of Rosario


Kapatiran 2016 Schedule

MAY 2016

12       Thanskgiving Mass of Fr. Rodrigo
           Venue: San Julian de Cuenca Parish
                          Janiuay, Iloilo
           Time: 9:30 AM

          Thanskgiving Mass of Fr. Gilbert
           Venue: Spousal of Mary & Joseph Parish
                          Jaro, Iloilo City
           Time: 5:30 PM

14-15 JMY Faith Festival-Central Sector
           Venue: La Salle Greenhills
                          Greenhills East, Mandaluyong City

19-21 JMY Faith Festival-Davao
           Venue: San Francisco de Asis Parish
                          Tagakpan, Davao City



List of Aspiring Seminarians
for FY 2016-2017